Balitang Pinoy

Makaraan ang dalawang buwan, muling magmamartsa patungo sa Malacanang ang 44 na magsasaka sa Sumilao, Bukidnon upang alamin kung ano ang nangyari sa ipinangako sa kanila ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo kaugnay sa ipinaglalaban nilang karapatan sa sinasakang lupa.

Sa ulat ng Radio Veritas nitong Linggo, magsasagawa ng pulong balitaan ang mga magsasaka sa Caritas Manila sa Lunes ng umaga bago sila magtungo sa Malacanang.

Ayon kay Atty. Arlene Bag-ao, kinatawan ng mga magsasaka, ang martsa ay para rin sa katotohanan at accountability ng pamahalaan sa kaugnay sa kontrobersyal na kontrata sa Zhong Xing Telecommunications Equipment (ZTE) Corp. ng China para sa national broadband network project ng pamahalaan.

Idinagdag ni Bag-ao na ang martsa ay may temang "for agrarian reform, truth, social justice and accountability." Labis umanong nadismaya ang mga magsasaka dahil hanggang ngayon ay hindi pa naibabalik sa kanila ang lupa na binili ng San Miguel Food Corporation.

Bumalik sa Maynila noong Huwebes ang mga magsasaka dalawang buwan makaraan silang maglakad mula Bukidnon patungong Maynila.

Samantala, naghahanda ang mga militanteng grupo ng isa pang malaking pagkilos laban sa pamahalaan sa Marso 8 kasabay ng paggunita sa International Women's Day.

Ang pagkilos ay pangungunahan ng grupong Gabriela, kasama ang umbrella group na Bagong

No comments: