Dino Island, Jojo A., hand painting, diet

Dinosaur islandThey're back! Ang mga dambuhala na naghari noon sa lupa... muling nagbalik at binigyang-buhay sa Dino Island. No need to go to Universal Studios dahil matatagpuan na natin sila sa Star City sa Pasay. Ito ang pasyalang nakakalibang at kapaki-pakinabang dahil matututunan ninyo ang iba't ibang uri at karakter ng mga dinosaur.It's Jurassic, it's fantastic. So what are you waiting for? Let's go see the dinosaurs!Susan meets Jojo A. Mula sa isla ng dinosaur, bibisitahin naman ni Kumareng Susan ang mundo ng ex-"Tiger" at ngayo'y kinaaliwang talk show host na si Jojo Alejar. Yes, folks, it's Jojo A! Ano nga ba ang sikreto niya at mula sa pagiging dancer, naging matinee idol at ngayo'y humahataw naman sa chikahan? Abangan ang pagtatagpo ng "Reyna ng Umaga" at "Hari ng Late Night" dahil tiyak na riot ito.Proper diet for common illnesses Diabetic na mahilig sa dessert... May gout na ganado sa pagkaing mabuto... High blood patient na pumapangas ng crispy pata... Aba, kumusta ka naman? Huwag mo nang palalain ang iyong kalagayan, alamin kung ano ang mga pagkain na akma para sa tulad mong may karamdaman. Pagsaluhan natin ang tips on how to eat right and healthy.Hand painting Isa, dalawa, tatlo, mag-painting na tayo! Hindi na kailangang bumili ng brush, dahil daliri, palad at kuko ninyo lang ang kailangan upang gawin ang inyong obra. Nakaka-intriga di ba? Join na kayo sa kakaibang art class na ito para sa inyong mga anak.

No comments: